Ang tulay ng San
Juanico ay may habang 2.16 kilometro na nagkokonekta sa Leyte at Samar. Ito ay kilala nuon sa tawag na Marcos
Bridge bilang karangalan sa dating Presidente na si Ferdinand Marcos. Ang San
Juanico Bridge ay ang tinaguriang pinakamahabang tulay dito sa Pilipinas.
Ayon
sa kwento, ang tulay ay regalo ng dating presidente sa kanyang asawa na isang
residente ng Tacloban City nung kanyang kabataan. Kaya naman, ito rin ay kilala
sa tawag na The Bridge of Love bilang isang dedikasyon ng pagmahahal ng dating
pangulo sa kanyang sinisintang si Imelda. Si Imelda ay tanyag din sa
bansag na The Rose of Tacloban.
Ang proyektong
ito ay may budget na 21.9 million dollars na naka kontrata sa ngayon ay
Philippine National Construction Corporation. Ito ay sa pakikipag ugnayan ng
mga Japanese engineers na syang nag-aral at nag desinyo sa aktwal na proyekto
sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Marcos. Ang pagpapatayo ay tumagal ng
mahabang panahon mula taong 1969 hanggang 1973. Kung titingnan sa taas, ang
struktura ng tulay ay may hugis na letrang L o S depende sa kung saang anggulo
mo ito titingnan.
Subalit alam
mo ba na ang tulay na ito ay may nakakatakot na kasaysayan ayon na rin sa
paniniwala ng mga nakatatanda? At hanggang ngayon ay tila hindi na mabura-bura
sa kasaysayan kung pag-uusapan ang tulay ng San Juanico.
Ang
pagpapatayo ng tulay ay pinangungunahan ni Imelda Marcos. Ayon sa estorya,
dahil sa matagal na panahong hindi matapos tapos ang tulay, komunsulta diumano
si Imelda sa isang manghuhula.
Ayon sa manghuhula, hinding hindi matatapos ang
tulay hanggat walang dugo ng mga bata ang isasaboy sa pundasyon nito. Kaya
naman, ay iniutos diumano ni Imelda ang pagdukot ng mga batang kalye upang
silitan ang mga leeg nito at gawing alay ang mga dugo.
Isang pagpapatunay
diumano sa mga kontrobersiyang ito, ay ang pagkawala ng mga kabataan at ang insidente
ng kidnapping sa Samar at Leyte sa kasagsagan ng pagpapatayo ng mismong tulay.
Kaya naman, mas naging usap usapan na ginagamit ang mga kabataan upang maging
alay sa pamamagitan ng isang demonic na ritual upang masiguradong matatag ang
pundasyon ng tulay. Diumano, ay itinataboy din ang mga patay na katawan ng mga
kabataan sa ilog malapit dito. Subalit, isang sirena o diwata ng ilog ang
nakakita sa karumal dumal na mga pangyayaring ito at isinumpa ang First Lady.
Kaya naman, ayon sa sabi sabi, minsan ay tinubuan si Imelda ng mga kaliskis sa
kanyang paa at nangangamoy langsa ng isda. Ito daw ang naging rason kung bakit
palaging nagsusuot ng mataas na skirts o palda si Imelda at noon ay madalas na
naliligo.
Hanggang sa
kasalukuyan, naniniwala pa rin ang karamihan tungkol sa estoryang ito at
iniuugnay ang kasaysayan nito sa mga diumanoy mga kaluluwang ligaw na
gumagambala sa mga tao at motoristang dumaraan dito.
Taong 2013
matatandaang hinagupit ng malakas na bagyong Yolanda (Haiyan) ang Leyte at Samar
na nagdulot ng mga sira sa tulay. Ilang
lindol na rin ang pinagdaanan ng tulay na ito na sumubok sa katatagan ng
pundasyon nito. Subalit ito ay nananatiling matatag at hanggang ngayon ay syang
pangunahing daanan sa silangang bahagi ng Visayas.
0 comments:
Post a Comment